NOVEMBER 2022

TULOY ANG BRIGADAHAN PARA SA BUROLIANS. Upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa labas ng paaralan at upang mas maging ligtas ang mga mag-aaral, mga magulang at mga stakeholders, lalo na't mag-uumpisa na ang full implementation ng face-to-face classes, naglinis at isinaayos ang parking area ng Paaralang Elementarya ng Burol noong Nobyembre 2 sa pangunguna ni School Governing Council chairperson, G. Gavino Mercado, kasama sina John Derrick Mercado, Jun Atanque, Buena Noe, Zaldy Campaner, Henry Tomtom Mantele, Delfin Francisco, at Romulo Sico, kasama si School Parents Teachers Assocation President Emelie Alfarero. Namahagi rin sila ng mga sako ng semento, hollow blocks, buhangin at mga concrete drainage pipe.


SHARED RESPONSIBILITY ON F2F. With the emphasis on the intensified role of parents and guardians in the upcoming implementation of full face-to-face classes, Burol Elementary conducts a parents' orientation on October 27 at the school's covered hall.


Top stakeholders pinarangalan sa Summit, Gawad BRIGADAHAN

Binigyang-pugay at parangal ang mga natatanging stakeholders ng Paaralang Elementarya ng Burol sa Stakeholders Summit and 2022 Gawad BRIGADAHAN noong Nobyembre 5 sa covered hall ng paaralan.

Kabilang sa mga binigyang parangal ay ang top 10 organizations, top 10 individuals, at top 5 teachers base worth of donations na naibigay sa paaralan mula Oktubre 2021 hanggang Oktubre 2022. 

Samantala, pinarangalan din ang ilang indibidwal na naging kaagapay ng paaralan sa pagpapatupad ng mga proyekto at programang #parasabata #parasabayan.

Narito ang listahan ng mga pinarangalan:

Plaque of Recognition to the Top 10 Organizations Stakeholders

1. Rotary Club of Dasmariñas Cavite

2. Mang Inasal Philippines

3. National College of Science and Technology (NCST)

4. Tau Gamma Phi – Burol Main Pasong Bayog Chapter

5. Cavite Heneral Matikas Eagles Club

6. Far Eastern Polytechnic College

7. Mayrick Pharmacy

8. Green Ladies – Burol Main Chapter

9. Cavite Open Door Commission Church

10. Alpha Kappa Rho – Burol Main Pasong Bayog Chapter

Awarding of Plaque of Recognition to the Individual Stakeholders

1. Rowena A. Remulla

2. Mark Lester P. Magsino

3. Joelito H. Romano

4. Loreta C. Mantele

5. Aileen M. Lipata

6. Eric Javelosa

7. Dr. Wahlia C. Miolata

8. John Rodel Mantele

9. Renato R. Imutan

10. John Felix A. Sariñaga

Plaque of Recognition to the Top 5 Teachers

1. Jonnel T. Grande

2. Rea V. Catibog

3. Maribel Presillas

4. Tricia Alingasa

5. Emiliana Elquiero

Best Linkages Teacher

1. Arcelyn C. Gatawa

2. Maybelle F. Dapon

Matatandaang noong Agosto 15 naganap ang kickoff ng Brigada Eskwela sa paaralan kaya naman sa pangunguna pa rin nina Gng. Ilyn Javelosa, punongguro, Gng. Merly Brisbin, Adopt-a-School Program coordinator, at Bb. Reschel Booc, Brigada Eskwela coordinator, nagsilbing pagpupugay at pagkilala sa mga makabagong ‘bayani’ ng paaralan ang Summit at Gawad BRIGADAHAN.

PREMIER ICT USERS. For the first time, Burolians utilize the 43 out of 50 Tablet PCs issued by the Department of Education – Dasmariñas in 2020. Grade four learners of Mrs. Joan Pontanares become the first users of the Information and Communication Technology Room during the full implementation of the face-to-face classes

ADHIKAING MAKABASA ANG LAHAT. Bilang panimula ng selebrasyon ng Buwan ng Pagbasa sa temang "Babangon at tutugon sa Hamon na Lahat ng Bata ay Makabasa", isinagawa ng Paaralang Elementarya ng Burol ang kick-off ceremony kung saan ipinakita ni G. Noel Anciado, Education Program Supervisor - English at reading ambassador ng paaralan, ang kanyang suporta sa programang ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng pambatang kwento sa harap ng mga Burolians noong Nobyembre 7 nang umaga. Ito rin ay sa pangunguna nina Gng. Myra Garcia, reading coordinator, at Gng. Ilyn Javelosa, punongguro.

LUMAGAKPAK. MAGSUKLOB. KUMAPIT. Sa pagnanais na ipakita ang mangyayari kapag may sakunang dumating katulad ng lindol at para mabilis na matugunan ito, nagsagawa ang Paaralang Elementarya ng Burol ng 2022 Fourth National Simultaneous Earthquake Drill noong Nobyembre 10, kabilang dito ang duck, cover, at hold, evacuation at post-assessment, indikasyon na ang kahandaan, sa pamamagitan ng kooperasyon, ay abot-kamay. Ito ay pinangunahan nina Gng. llyn Javelosa, Principal II, Gng. Rea Catibog, School Disaster Risk Reduction and Management coordinator, at G. Rodel Manalang, assistant SDRRM coordinator.

HOORAY! HUMAYAO GIVES. Ensuring that all classrooms of Burol Elementary School are equipped with complete armchairs to cater to the growing number of learners, Humayao Elementary School grants the school request of provision of twenty-two (22) armchairs.

BRIGADAHAN NG BUROL NAKAKUHA NG 100%. Dahil pinanindigan ng Paaralang Elementarya ng Burol ang pangarap na muling madala sa regional level ang Brigada Eskwela accomplishments ng paaralan, nakakuha ang Burol ng markang 100%, indikasyon na ligtas at handang humarap ang paaralan sa hamon ng balik-aral. Sina Miguel R. Melendres, Education Program Specialist (SMNS), Crizel Anne L. Villanueva, Education Program Specialist II (SMME), Katherine Delantar, Division Nurse, and Dr. Allain B. Alvarez, Education Supervisor ang nagsilbing validators noong Nobyembre 14.

FIRST RESEARCH AWARD OF BUROLIANS. Rea Catibog from Grade Six department of Burol Elementary School wins Best Pecha Kucha Presenter of the 2021 City of Dasmariñas.

BAGONG SCOUTERS. Muling isinagawa ng Paaralang Elementarya ng Burol ang in-person Boy Scouts’ Investiture and Backyard Camping 2022 na sinalihan ng hindi bababa 250 bagong miyembro ng KID (Kabataang Iminulat ang Diwa) Scouts, KAB (Kabataang Alay sa Bayan) Scouts at Boy Scouts of the Philippines, noong Nobyembre 18. Ito ay upang i-marka ang pormal na pagtanggap ng mga estudyante sa mga obligasyon at responsibilidad ng pagiging isang tunay na scout. Sa talumpati ni Gng. Ilyn Javelosa, punongguro ng paaralan, binigyang-diin na kailangan isapuso, isaisip, at isagawa ang mga natutunan sa scouting. Ito ay pinangunahan ni Scouter Nicka Langcauon, BSP coordinator, Jocella Macapallag, KAB scout coordinator at Korena Fatima Villarin, KID scouts coordinator. Pagkatapos ng Investiture ay nagkaroon naman ng Backyard camping.

GREAT PARTNERSHIP IN READING. Great Mercy Academy, during the last day of the Reading Month Celebration, once again ties its bond with Burol Elementary School as talented teachers, learners and school staff showcase their reading prowess to Burolians, an advocacy aiming to ensure that every Filipino child is a reader.