MARCH 2022

School supplies mula sa LGU Dasma, ikinatuwa ng Burolians

Taos sa puso ang pasasalamat ng mga magulang mula sa Paaralang Elementarya ng Burol sa local government unit ng Dasmarinas City dahil sa handog nitong school supplies kabilang na ang mga bags.

"Maraming salamat po sa natanggap naming bag at school supplies galing sa ating butihing Ina ng Dasmariñas Mayor Jenny Austria Barzaga. Malaking tulong po ito saamin. Maraming salamat po," ani ni Jannie Estacio, magulang ng mag-aaral sa Kindergarten.

Ipinakita ng mga guro ng PEB ang kanilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women's Month 2022 na may temang "WE Make CHANGE Work for Women" at may sub-temang "Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran" na pinangunahan ni Gng.Arcelyn Gatawa, Gender and Development (GAD) Coordinator noong Marso 3.

CATCHING BLESSINGS FROM ABOVE. ‘Heroes’ from Dasmarinas Water District led by Atty. Reina Villa-Guro and the board of directors aid Burol Elementary by providing the school a rainwater harvesting system to catch the blessings (the rain) from above. The inauguration was also through the effort of the school’s Adopt-a-School coordinator, Mrs. Merly Brisbin.

TIYAK NA LILINIS. Bilang pagpapanatili ng kalinisan sa Paaralang Elementarya ng Burol patuloy paring isinasagawa ang clean-up drive na isa sa mga gawaing inilatag ng Youth For Environment in Schools Organization (YES-O) na nilalahukan ng mga magulang at mga guro sa pangunguna ni Bb. Erika Jane Ulila, YES-O Adviser.

BABAE, HINDI BABAE LANG. Bilang pagsuporta sa 2022 National Women's Month Celebration, binigyang-daan ng Paaralang Elementarya ng Burol noong Marso 5 ang isang Zumba dance challenge sa pangunguna nina Gender and Development coordinator, Gng. Arcelyn Gatawa, at Wellness coordinator, Gng. Christina Cheng. Kasabay ito ng naganap na clean-up drive sa paaralan.

B.E. READY. Preparedness matters as B. E. or Burol Elementary School conducts First quarter National Simultaneous Earthquake Drill among learners, parents and teachers on March 10, 2022. Duck, cover and hold drill is just one of its activities.

KAPATIRAN PARA SA MGA PAG-ASA NG BAYAN. Bilang pakikiisa sa BRIGADAHAN sa Paaralang Elementarya ng Burol at bilang paghahanda sa face-to-face class, tulong-tulong ang mga miyembro ng samahang Alpha Kappa Rho Dasmariñas City Chapter sa paglilinis sa labas at loob ng paaralan sa pangunguna ng kanilang Vice Chairman na si G. Eldridge Guardiano. Laking pasasalamat ng paaralan sa partnership na ito sa tulong nina Gng. Ilyn Javelosa, punongguro, Gng.Merly Brisbin, Adopt-a-school coordinator, at Reschel Booc, Brigada Eskwela coordinator. Ito ay sa tulong na rin ng mga kaguruan. Lubos ding nagpapasalamat ang paaralan sa iba pang mga stakeholder na nagbahagi din ng kanilang blessings. Ayon sa Wikipedia, ang Alpha Kappa Rho ay isang kapatirang pang-international humanitarian services na naitatag noong 1973 sa Pilipinas.

F2F MEETING FOR F2F CLASSES. As preparations for the Burol Elementary School’s pilot face-to-face classes, and for the Expansion and Transitioning to New Normal in accordance to the School Safety Assessment Tool, the school principal, Mrs. Ilyn Javelosa, conducted a face-to-face general faculty meeting in the ICT Room on March 16 with the school personnel to ensure full compliance implementation.

KAPATIRAN PARA SA LIGTAS NA TAWIRAN. Sa pakikipagtulungan ng paaralan sa Barangay Burol Main, magkatuwang na muling pininturahan noong Marso 22 ng barangay representatives sa pangunguna ni Kapitan Rodel Mercado at grupo ng Triskelion – Pasong Bayog Community Chapter sa pangunguna ni Lowie Mar C. Alegno, Grand Triskelion, ang pedestrian lane sa harap ng Paaralang Elementarya ng Burol bilang paghahanda sa nalalapit na face-to-face classes sa Abril 11.

SA F2F, ‘DI TAYO NAG-IISA. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng technical assistance, sinigurado ng City Schools Division of Dasmariñas ang kahandaan ng Paaralang Elementarya ng Burol sa posibleng pagbubukas nito ng face-to-face (F2F) classes sa huling quarter ng School Year 2021-2022. Sama-sama sina Mr. Alejo Filio, Jr., Education Program Supervisor (EPS), Mrs. Rowena Cariaga, EPS, Dr. Emily Belanio, Public Schools District Supervisor (PSDS), Dr. Crisaldo Belas, PSDS, at Dr. Adoracion De Los Santos, PSDS, noong Marso 30 sa pag-check sa mga inihanda ng paaralan para sa F2F classes at sa pagbibigay ng kani-kanilang suhestiyon ukol dito.